Huwebes, Hunyo 21, 2012

Minsan

"Kailangan mong maging matapang." 
Kailangan mong maging matapang hindi lang para sa sarili mo kung hindi para din sa mga taong mahal mo. Hindi mo alam na doble ang sakit na nararamdaman ng mga taong totoong nagmamahal sa'yo sa tuwing nakikita ka nilang nahihirapan. Kaya't kung ayaw mo silang nasasaktan, ipakita mo sakanila na kahit papaano handa ka nang maging malakas, tumayo at 
manindigan. 






"Mamili ng kaibigan."
Hindi lahat ng tao na naghehello sa'yo ay gusto ka. Hindi rin lahat ng mga kaibigan mo akala mo kakilala mo na. Ang buhok nga nag-iiba ng kulay sa pagdaan ng panahon, paano pa kaya ang ugali ng tao. Tanggapin mo ang katotohanan na sa buhay, tanging sarili mo lang ang pinakakilala mo ng lubos.













"Matutong maghintay at magtiiis."
Tandaan na walang bagay sa mundo ang nakukuha ng mabilisan. Mismong ikaw, pinaghirapan kang ibuo ng mga magulang mo. Gusto mo ng ganito, ng ganyan pwes gumawa ka ng paraan. Ang bagay na pinaghirapanan, yun yung mga bagay na masarap iyabang. 









"Tumingin sa salamin."'
Huwag kang magpakabusy sa pagtalakay ng buhay ng may buhay lalo na kung pilit mo nang pinanghihimasukan ang buhay ng iba. Pag ganyan ng ganyan ang ginawa mo, para mo na ring sinasabe sa sarili mo na walang kwenta ang buhay mo kaya wala kang interest na pagkaabalahan at pagandahin ito. Napakagaling mong magkumpara ng buhay mo sa iba. Wala namang kompetisyon, nakikipag-paunahan ka.









"May mga tao na matagal nang may galit sayo."
Kaya huwag ka nang mabibigla kung isang beses, sumabog na lang sila at sabihin nila lahat lahat ng ayaw nilang pag-uugali mo. Sa sitwasyong iyan, ikaw ang panalo. Dahil mahirap para sakanila ang magkimkim ng sama ng loob at magpakaplastic sa taong ayaw mo.









"Matuto ka namang mamagitan."
Nagtatalo na yung dalawa, ikaw nganga lang. Huwag mong gawing hobby ang pagiging neutral.










That's all folks! :-))


Love,
Inahbebita

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento